Mga sumukong NPA, umabot na sa mahigit 6,000 sa panunungkulan ni outgping AFP Chief Gen. Rey Leonardo Guerrero

Lagpas na sa 6,000 ang sumukong NPA sa panahon ng panununkulan ni outgoing AFP Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero.

Batay sa datos ng militar as of April 15, ang 6,709 na sumukong rebelde ay binubuo ng 721 na regular NPA members at mga miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokal, 513 Militia ng Bayan, 712 underground organizations members at 4,761 mass supporters.

Ayon kay General Guerrero, lagpas pa ito sa target na kanyang itinakda nang maupo siya ss pwesto na bawasan ng kalahati ang pwersa ng NPA bago matapos ang taon.

Bukod dito, sa ilalim ng panunungkulan ni Guerrero bilang AFP Chief of Staff ay 47 NPA ang napatay sa mga lehitimong operasyon,
61 ang arrestado sa focused military operations at 288 assorted firearms ang nakumpiska sa mga NPA.

Si Guerrero ay nakatakdang magretiro ngayong araw na ito matapos ang 34 taon career sa militar at 6 na buwan bilang AFP Chief of Staff.

Ayon kay Guerrero, ang publiko na ang bahalang humusga kung naging epektibo siyang pinuno ng militar. | via Leo Sarne