Mga sumukong NPA members at supporters, umabot na sa mahigit 4,000 sa taong ito

Apatnapung libo, tatlong daan at apatnapung anim (4,346) na regular members at supporters ng NPA ang sumuko mula January 1 hanggang March 15 ng taong ito.

Sa ulat ni AFP Public Affairs Office Chief, Lt. Col. Emmanuel Garcia, ang bilang na ito ay binubuo ng 626 NPA regulars at party members, at 3,730 Militia ng Bayan (MB), Underground Mass Organization (UGMO) members at mass supporters.

Karamihan aniya sa mga nagsisuko ay mula sa Eastern Mindanao kung saan 96 na porsyento o 4,194 ay mula sa Davao at CARAGA regions.

Ayon kay Garcia, ang malaking bilang ng mga sumuko ay resulta ng pinaigting na focused military operations, intelligence efforts, civil-military operations, re-integration efforts at peace and development programs ng AFP at PNP, at ang aktibong panghihikayat ng mga LGU’s sa mga NPA sa kanilang lugar na magbalik-loob.

Inaasan pa ng AFP na mas marami pang NPA ang susuko sa mga susunod na buwan, batay sa salayasay ng mga nagbalik loob na marami sa kanilang kasamahan ang napuno na sa korapsyon at panloloko sa loob ng kanilang samahan. | via Leo Sarne