Mga sumisigaw ng Cayetano resign, pinag-hihinay hinay ng Malacañang

‘Hindi ang pagpapa-alis sa puwesto sa kaninumang opisyal ng pamahalaan na may kinalaman sa diplomatic dilemma sa pagitan ng Pilipinas at ng Kuwait ang prayoridad ng Palasyo ng Malacañang.’

Reaksiyon ito ng Malacañang sa gitna ng panawagan ng ilang kongresista kay Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano para ito’y magbitiw na sa kanyang puwesto dahil sa kumalat na rescue video.
Sabi ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, hayaan na lang ang mga humihingi ng resignation ni Cayetano pero mas maiging ayusin na lang aniya ang gusot at isipin ang kapakanan ng ating mga kababayan sa Kuwait.

Panawagan ni Roque, maghinay- hinay lang at ang dapat aniyang isaprayoridad ay ang matiyak ang kapakanan ng mga Pilipinong nasa Kuwait.

Nasa 250,000 na mga Pinoy aniya ang naroroon sa middle east country na kailangang mabigyan ng atensiyon. | via Alvin Baltazar