Mga solo parents, pagtitindahin na rin ng murang bigas ng DA

Pagtitindahin na rin ng murang bigas ang mga single parent sa Quezon City.

Pagtitindahin na rin ng murang bigas ang mga single parent sa Quezon City.

Sinabi ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na nakipag-usap na siya kay Agriculture Secretary Manny PiƱol para direktang maibenta sa mga kababaihan ng lungsod ang mga bigas na galing sa mga magsasaka ng Central Luzon.

Idinagdag ni Belmonte na kailangan na magbuo ng kooperatiba ang mga solo parent para makatanggap ng ayuda sa pamahalaan

Partikular na magpapagulong ng mga rolling stores ang mga solo parent na nasa mahihirap na barangay. | via Rey Ferrer