Sen. Go, nagpahayag ng mensahe ng pakikiisa ngayong Araw ng mga Bayani


Nagpahayag ng mensahe ng pakikiisa si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani.

Ayon kay Go, maswerte ang mga Pilipino dahil marami tayong mga bayani na nagbuwis ng buhay para protektahan ang kalayaan at kapakanan ng ating bansa.

Sinasalamin aniya nito ang ating katapangan, kagitingan, determinasyon at kadakilaan.

Sa ngayon ay ipinagpapatuloy aniya ng mga makabagong bayani gaya ng ating mga sundalo, pulis, guro, OFWs at mga ordinaryong Pilipino ang legasiya ng mga sinaunang bayani sa pamamagitan ng pagsusumikap araw-araw upang makapag-ambag sa ating komunidad.

Kaya naman ngayong Araw ng mga Bayani, sinabi ni Go na hindi lang dapat ang mga tradisyonal na bayani kundi maging ang mga bagong bayani ang ating bigyang-pugay.

Nawa’y magsilbi aniyang gabay ang kanilang mga halimbawa sa pagharap sa araw-araw nating pagsubok sa buhay maging sa pagkamit ng inaasam nating Pilipinas.