Mga sanggol at buntis, makatatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan

In-adopt ng Inter-agency Task Force on the Management of the Emerging Infection Diseases (IATF) and dietary supplementation program para sa mga bagong silang na sanggol at mga buntis.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ilalim ng naturang programa, ang mga bata na nasa anim haggang 23 buwan at maging ang mga nutrionally at-risk na mga buntis ay makatatanggap ng cash o food packs mula sa pamahalaan.

Sa gitna na rin ito aniya ng laban ng bansa sa COVID-19.

Sinabi ni Secretary Roque, “The IATF adopted today, October 2, a dietary supplementation program for children ages 6-23 months and nutritionally at-risk pregnant women through the provision of cash or food packs amid the COVID-19 health crisis.”

Ayon sa kalihim, ang programang ito ay bahagi ng pagpapaigting sa kalusugan ng mga Pilipino, at sa paglaban na rin sa kagutuman sa bansa, na pinalala ng pandemic.

“This forms part of improving the healthcare of the citizens and a means to eliminating hunger which has been aggravated by the pandemic.” ang pahayag ni Secretary Roque.