Mga residenteng nabakunahan vs COVID-19 sa Muntinlupa, mahigit 28,000 na

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa na umabot na sa 28,005 residente ang nabakunahan kontra COVID-19.

Sa tala ng City Health Office, 6,301 sa mga ito ang nakatanggap na ng second dose ng bakuna.

Gamit ng city government sa pagbabakuna ang CoronaVac, AstraZeneca, at Sputnik V.

Sa kabuuang bilang ng nabakunahan ng first dose, 17,416 ang persons with comorbidity, 5,400 senior citizens, at 5,141 healthcare workers.

Nasa 77 percent ng mga ito ang tinurukan ng gawa ng Sinovac habang 15 percent sa AstraZeneca at 8 percent sa Sputnik V.