Mga residente sa paligid ng Mayon Volcano, pinag-iingat ng Phivolcs sa posibleng pagdausdos ng lahar deposits

Pinag-iingat na ng Phivolcs ang mga residente sa paligid ng Mayon Volcano sa Albay na mag-ingat sa pagdaloy ng lahar deposits bilang paghahanda sa pananalasa ni bagyong Dante.

Kasunod nito ng inilabas na Lahar Advisory ng Phivolcs para mag-ingat at makapaghanda ang mga residente at local government units.

Base sa forecast ng Pagasa,
inaasahan ngayong umaga o hapon maramdaman si bagyong Dante sa coastal waters ng Eastern Albay province.

Dahil sa kanyang trajectory at dalang posibleng matinding pag-ulan sa lalawigan, hindi isinasantabi ng Phivolcs na magkaroon ng lahar flows sa mga daluyan ng tubig mula sa ituktok ng bulkan.