Mga residente sa loob ng Ground Zero sa Marawi City, makakabalik pa sa loob ng MAA –Gandamra 

Tiniyak ni Marawi City Mayor Majul Gandamra na makakabalik ang lahat ng mga residente ng Ground Zero sa pagsisimula ng rehabilitasyon nito.

Ito’y sa kabila ng mga reklamo ng mga nakatira sa loob ng Most Affected Area (MAA) na di-umanoy mahal ang bayad sa structural plan na pangunahing dokumento sa pagkuha ng building permit.

Sinabi ni Gandamra sa isang panayam na tumutulong ang pamahalaan para maibsan ang pangamba ng mga residente sa mahal na gastusin ukol sa structural plan.

Ayon sa alkalde kumuha na ang National Housing Authority (NHA), sa pangunguna ng General manager na si Marcelino Escalada, ng mga eksperto gaya ng mga inhenyero at arkitekto para gumawa ng kanilang plano na walang bayad.

Kapag nakakuha na ng building permit ang mga resident, pwede na nilang simulan na maitayo ulit ang kanilang nawasak na bahay kasabay ng pagtatayo ng mga government sa infrastructures sa loob ng MAA o Most Affected Area.