Mga residente ng Boracay, walang dapat ikabahala sa krimen sa pagsasara ng isla

Walang dapat ikabahala ang mga residente ng Boracay sa posibleng pagtaas ng krimen sa napipintong pagsara ng Isla.

Ito ang tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Csupt John Bulalacao, na sinabing pananatilihin ng PNP Ang peace and order sa Boracay habang ongoing ang rehabilitasyon.

Ayon kay Bulalacao, magdedeploy ang PNP ng sapat na bilang ng mga pulis sa lugar upang ipatupad ang closure order at magbantay sa posibleng pagsasamantala ng mga magnanakaw sa sitwasyon.

Samantala, itinalaga ni Police Regional Office 6 (PRO6) Regional Director Csupt Cesar Hawthorn Binag, si PRO6 Deputy Regional Director PSSUPT Jesus D. Cambay Jr.,  bilang Commander ng the Metro Boracay Task Force (MBTF).

Si Cambay ang mamununo sa 610 personnel ng Police Regional Office 6 (PRO6) na idedeploy sa Boracay buong panahon ng rehabilitasyon. | via Leo Sarne