Mga residente na naninirihan sa tabing ilog, pinayuhang umalis sa kanilang tinitirhan matapos ang matinding baha sa Davao City

Dahil sa naranasan na mga pagbaha sa lungsod ng Davao kung saan apektado ang maraming residente, nanawagan ngayon si Konsehal Mabel Sunga-Acosta, chair ng Peace and Order and Public sa Davao City Council, sa mga naninirahan sa flood-prone areas na mas mabuting umalis na lamang sa kanilang mga tinitirhan at huwag nang hintayin na malagay sa delikado ang sitwasyon lalo na kung bigla na namang tumaas ang tubig-baha.

Ang pahayag ng opisyal ay may kaugnayan sa naranasang pagbaha kahapon dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ) kung saan maraming residente at motorista sa lungsod ang apektado.

Nilinaw ni Konsehal Acosta na ipinagbabawal ang pagtatayo ng mga tirahan sa gilid ng mga ilog dahil sa may batas na umiiral na “no build zone” sa nasabing mga lugar. | ulat ni Sheila Lisondra