Mga re-eleksyunistang Senador mula sa mayorya, nangunguna sa tinaguriang “magic 12” sa isinagawang survey ng Pulse Asia

Mga re-eleksyunistang Senador mula sa mayorya ang nangunguna sa listahan ng mga posibleng mananalo sa “2019 mid-term elections,” na ayon sa isang pre-election survey na isinagawa ng Pulse Asia kamakailan.

Si Senadora Grace Poe ang unang-una na sa listahan, na sinundan nina Senadora Cynthia Villar at dating Senadora at ngayon ay kinatawan ng taguig na si Pia Cayetano.

Nasa pang-apat na puwesto naman si Senadora Nancy Binay, na sinundan ni Senador Sonny Angara sa ikalimang puwesto.

Ang presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ay ang pang-anim; nasa ika-pito naman si Senate President Koko Pimentel, pang-walo si dating Senador Serge Osmeña, pang-siyam ang broadcaster na si Erwin Tulfo, si dating Senador Lito Lapid naman ang nasa pang-sampu, si dating PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa at dating Senador Jinggoy Estrada ay kabilang din sa tinaguriang magic 12.

Ang survey ay isinagawa mula March 23 hanggang  28, 2018. | via Jojo Ismael

Photo courtesy: www.pulseasia.ph (https://bit.ly/2vA2DBU)