Mga pulis dapat suportahan sa halip na siraan – dating SAP Bong Go

Hiningi ni dating  SAP Bong Go ang suporta ng publiko sa  pambansang pulisya sa halip na siraan.

Ito ang reaksiyon ni Go sa isyu  ng teleseryeng “Ang Probinsyano” na sumisira umano sa imahe ng pulisya.

Sa interview  pagkatapos magsalita sa national convention ng mga opisyal ng Register of  Deeds sa Quezon City, sinabi niya, na kung patuloy na pasasamain ang imahe ng mga pulis hindi magtatagumpay ang gobyerno sa pagsugpo  sa kriminallidad at mga salot sa lipunan.

Sa katunayan aniya,  nagbabagong anyo na ang Philippine National Police (PNP) dahil seryoso ang ginagawa nitong internal cleansing.

Marami na aniyang mga pulis na sangkot sa droga ang sinibak sa puwesto at kinasuhan.

Ipinatapon na rin sa malayo ang ilang mga abusado. | ulat ni Rey Ferrer