Mga pulis Bacolod na iniugnay ng Pangulo sa ilegal na droga, bibigyan ng due process

Bibigyan ng Philippine National Police (PNP) ng due process ang mga pulis Bacolod na iniuugnay ng Pangulo sa ilegal na droga.

Ito ang tiniyak ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde matapos na sibakin sa pwesto si Bacolod chief of police Ssupt Francisco Ebreo, na inakusahan ng Pangulo na umano’y protektor ng mga pulis na involved sa ilegal na droga.

Magugunitang pinangalanan ng Pangulo si Ebreo kasama ang apat pang pulis sa Bacolod na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Nilinaw ni PNP chief, na ang pagsibak kay Ebreo sa pwesto ay administrative relief lang habang iniimbestigahan ang kaso nito.

Hindi pa naman aniya napatunayan na “guilty” ito sa ibinibintang sa kanya kaya hindi pa ito sinibak sa serbisyo.

Paliwanag pa ng PNP chief, may sources of information ang Pangulo na maaaring hindi alam ng PNP, kaya’t may basehan ang kanyang akusasyon laban sa mga pulis na marapat lang maimbestigahan. | ulat ni Leo Sarne