Mga presong pinalaya sa GCTA, ikukunsidera ng PNP na “fugitives”

Ituturing ng Philippine National Police (PNP) na “fugitives” ang halos dalawang libong presong pinalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ito ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, ay kung sakaling ma-invalidate ang release order para sa mga ito.

Kung lumabas aniya na hindi balido ang pagpapalaya sa mga presong ito ay maaaring ipatupad ang warrantless arrest laban sa mga ito.

PNP CHIEF

Sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde, na handa silang makipagtulungan sa Bureau of Corrections (BuCor) para ma-account ang lahat ng mga pinalayang preso kung kakailanganin na ibalik sa kulungan ang mga ito.Kung lumabas aniya, na hindi balido ang pagpapalaya sa mga presong ito ay maaaring ipatupad ang warrantless arrest laban sa mga ito. | via Leo Sarne www.radyopilipinas.ph

Posted by Radyo Pilipinas on Sunday, September 1, 2019

Sinabi ng PNP chief, na handa silang makipagtulungan sa Bureau of Corrections (BuCor) para ma-account ang lahat ng mga pinalayang preso kung kakailanganin na ibalik sila sa kulungan.

Kasalukuyan aniyang sinusubaybayan ng PNP ang “developments” sa isyung ito, at handa silang tumalima sa anumang kautusan ng mga nakatataas kaugnay ng usaping ito.

Magugunitang kinuwestyon ng ilang mga mambabatas ang pagpapalaya sa mga nahatulan sa heinous crimes, gayung sinasabi na hindi kwalipikado ang mga ito sa GTCA law.