Mga Pinoy sa India na nais makabalik sa Pilipinas, makakauwi -Malacañan

Tiniyak ng Malacañan na makakauwi ang mga Pinoy na nais na makabalik ng bansa mula sa India.

Ang kailangan lang sabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, tapusin ang travel ban na magtatagal ng hanggang Mayo 14.

Siniguro na din ani Roque ni Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing na may ginagawa ng hakbang ang Embahada para sa repatriation.

Isa na dito ang pag-aayos ng chartered flight na magiging behikulo ng mga Pilipinong nasa India pauwi dito sa Pilipinas.

Nangangamba ang ilang mga Pilipino sa India sa kasalukuyang sitwasyon nito bunsod ng mga naitatalang kaso ng COVID-19, gayundin ang estado ng health care nito na kung saan ay hindi na kinakaya pa ng mga pagamutan duong mai-accomodate ang dami ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa nasabing bansa.