Mga pasaway na residente ng QC sa health protocols, pinaghuhuli ng mga pulis

Nagsagawa ng operasyon ang District Public Order and Safety (DPOS) at Task Force Disiplina ng Lungsod Quezon para hulihin ang mga residente na hindi nagsusuot at mali ang paggamit ng face mask. 

Ang operasyon ay ginawa ng lokal na pamahalaan matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil na rin sa dami ng mga pasaway. 

Kanina unang pinuntahan ang National Irrigation Administration (NIA) road, at inikutan ang Cambridge, Mega Q-Mart, at Arayat Market sa Cubao. 

Wala nang warning sa mga pasaway at agad tinikitan ang nasa 50 residente

Sinubukan pang magpalusot ng ilang violators pero hindi ito kinagat ng mga arresting Officer. 

Sinabi ng ilan na nakalimutan kaya walang face mask, habang iba ay kakakain lamang, maninigarilyo, at umiinom ng softdrinks. 

Nasa ₱300 ang multa ng mga lumabas. 

Apila naman ni Nilo Baguio, OIC Enforcement Officer ng DPOS, makinig sa panawagan ng gobyerno at sumunod sa mga health protocols para mapigilan ang paglala ng pandemya

Tiniyak naman ng DPOS na tuloy-tuloy sila sa pagsasagawa ng ganitong operasyon