Mga pangunahing komite sa Kamara, pinunan na ng mga pinuno

Pinunan ngayon ng liderato ng Kamara ng mga pinuno ang mga pangunahing komite sa kamara.

Iniluklok ng kamara bilang chairperson ng House Committee on Ways and Means si Representative Joey Salceda, Representative Lord Allan Velasco bilang chairperson ng House Committee on Energy at Representative Eleandro Jesus Madrona bilang chairperson ng House Committee on Public Works.

Itinalaga ding vice chairperson ng House Committee on Accounts si Rep. Elenita Milagros Buhain at 2 iba pang solons.

Itinalagang chairperson ng House Committee on Constitutional Amendment si Rep. Rufus Rodriguez, Rep. Franz Alvarez bilang chairperson ng House Committee on Legislative Franchise at Rep. Carlos Isagani Zarate bilang deputy minority floor leader.

Iniluklok din bilang vice chairperson ng House Committee on Appropriations sina Reps. Buhain, Salceda, Junie Cua at 8 iba pang kongresista.