Mga pampublikong guro sa QC, makakakuha ng allowance mula sa lokal na pamahalaan

Makatatanggap ang mga public school teacher at non-teaching personnel sa lungsod Quezon ng P1,500 supplemental allowance kada buwan mula sa Quezon City local government.

Ang Ordinance SP ‪2751-2018‬, na nilagdaan ni Mayor Herbert Bautista, ay layong tulungan ang mga public school teaching and non-teaching personnel, at kilalanin ang kanilang malaking ambag sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pormal na edukasyon.

Patakaran na ng lokal na pamahalaan ng lungsod Quezon ang itaguyod at pagbutihin ang estadong panlipunan at pang-ekonomiya ng mga pampublikong guro nito, kasama na ang non-teaching personnel.

Ang halaga na kailangan para sa implementasyon ng ordinansang ito ay kukunin mula sa General Fund ng lungsod. | ulat ni Ched Oliva