Mga pamilyang nasunugan sa Brgy. Pag-asa, QC, maaring maka-avail ng murang pabahay ng NHA

Tutulungan ng National Housing Authority (NHA) na maka-avail ng murang pabahay ang mga pamilyang nasunugan sa Barangay Pag-asa Quezon City nitong nagdaang araw.

May kabuuang 240 pamilya ang naapektuhan ng sunog ng matupok ang may 120 kabahayan doon.

Habang isinasailalim sa proseso ang mga pamilya, bibigyan naman sila ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makakaagapay sa kanilang pang araw-araw na kabuhayan.

Kagabi dinalaw ang mga evacuees ni dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go sa isang lugar sa Barangay Pag-asa na pansamantala nilang tinitirhan at binigyan ng cash assistance at grocery items.

Sa mga pamilyang nais nang umuwi sa kanilang lalawigan maaari din silang tulungan ng DSWD sa ilalim ng Balik Probinsya Program.  | ulat ni Rey Ferrer