Mga pamilyang nasiraan ng bahay sa Negros Occidental, pinagkalooban ng tulong pinansiyal ng NHA

May kabuuang ₱7.39-million cash assistance ang ipinagkaloob ng National Housing Authority (NHA) sa may 1,458 pamilya sa Negros Occidental na sinalanta ni bagyong Odette.

Sa ilalim ng NHA Special Emergency Housing Assistance Program, bawat pamilya ay pinagkalooban ng tig-₱5,000 tulong pinansiyal.

Ayon sa NHA, maaaring gamitin ng mga pamilya ang kaloob na pondo sa pag-repair ng kanilang nasirang bahay.

Ginawa ang nasabing hakbang bilang pagtugon sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang mga sinalanta ng kalamidad.

Kahapon din nagkaloob ng ₱25-million cash assistance ang NHA Region 8 sa Lapu-Lapu LGU para sa mga apektadong pamilya.