Mga pamilyang na-trauma sa bagyong Rolly, isinasailalim sa psychosocial intervention ng DSWD

Binibigyan na ng psychosocial intervention ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pamilya na lubhang naapektuhan ng bagyong Rolly.

Ang hakbang ng DSWD ay layong matulungan sila na makarekober sa traumatic experience sa bagsik ng nagdaang bagyo.

Nag-deploy din ang ahensiya ng social workers sa mga temporary shelters upang tiyaking nasusunod ng mga evacuee ang tamang protocols.

Sa ngayon mahigit 10,000 pamilya o halos 40,000 indibidwal ang nananatili pa sa 601 evacuation centers.

Huling nagpadala kahapon ang DSWD ng ₱164,000 halaga ng relief assistance sa Albay sa pamamagitan ng field office nito sa lalawigan.

Nagpadala din ito ng 3,500 family food packs sa lalawigan ng Catanduanes at Camarines Sur.

Karagdagan pa rito ang 500 modular tents para ipamigay sa mga internally-displaced
persons sa Bicol Region at 31,500 kilograms ng bigas para sa mga evacuee sa CALABARZON.