Mga pamilyang lumikas mula sa lugar na nakapalibot sa Taal Volcano, halos 5,000 na

Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga pamilyang nagsilikas mula sa mga lugar na nakapalibot sa Taal Volcano sa Batangas.

Sa ulat ng Department of Social Welfare and Development umabot na sa 4,798 families o katumbas ng 17,019 mga indibidwal ang naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkan hanggang kahapon.

Ang mga displaced population ay mula sa 120 barangays sa Calabarzon area.

Sa kabuuang bilang ng mga pamilyang umalis ng kanilang tirahan ,1,065 ay nanunuluyan pansamantala sa 24 na evacuation centers habang ang malaking bilang ay nakitira sa kanilang mga kaanak at kaibigan.