Mga pagkakamali sa learning modules, pinuna ng mga mambabatas

Dismayado si ACT-CIS Partylist Representative Jocelyn Tulfo, sa patuloy na pagkakadiskubre ng mga mali sa learning modules ng mga estudyante.

Aniya, hindi na maaaring sabihin na isolated incident ang mga pagkakamali na ito.

Sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts, iprinisinta ngĀ guro na si Antonio Go ang isang module, kung saan gumamit ng isang malaswang salita para maisalawaran ang aswang.

Ang naturang module ay ginamit ng mga Grade 10 student sa mga public school sa Region 3, noong ikalawang quarter.

Mariin namang kinokondena ng Department of Education (DepEd) ang lumabas na learning module.

Ayon kay Education Usec. Tonisito Umali, na hindi katanggap-taggap at walang excuse para pangatwiranan ang nasabing module.

Agad ding ni-recall noong February ang naturang module ng isang DepEd School Division sa Central Luzon, at kumilos upang mapanagot at matukoy ang mga gumawa ng pagkakamali.