Mga opisyal ng Communist Party ng China, bumisita kay Pangulong Duterte

Bumisita kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo ang Chief ng Chongqing Party at iba pang miyembro ng Communist Party of China (CPC).

Pinangunahan ni Chongqing Party Chief Chen Min’er ang delegasyon ng CPC na hinarap ni Pangulong Duterte sa Music Room ng Palasyo.

Kasama sa delegasyon ni Chen si Chinese Ambassador Zhao Jianhua at iba pang mga opisyal ng Chinese government.

Si Chen ay kilalang protégé ni Chinese President Xi Jinping at itinuturing na isang rising political star sa China.

Naging Kalihim si Chen ng Chongqing (Chong-Ching) Party nuong 2017 at naging bahagi ng 25-member Politburo (Palit-Bureau), ang top decision-making body ng Communist Party of China.

Ang Chongqing ay isa sa mga nangungunang siyudad ng China at kalimitang pinamumunuan ng party secretary mula sa Chinese Politburo.

Naging gobernador din si Chen ng Guizhou noong taong 2013 bago na-promote bilang secretary ng provincial Communist Party.