Mga nastranded na pasahero dahil sa Bagyong Usman, higit sa 20,000 – PCG

Nasa 21,466 pasahero ang nastranded sa iba’t ibang daungan sa bansa bunga ng pananalasa ng bagyong Usman..

Base sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), simula alas-8 kagabi may 2,050 rolling cargoes, 132 sea vessels at 45 motorbanca ang hindi pa rin pinayagan na makabiyahe sa karagatan.

Sa National Capital Region (NCR) at Central Luzon may 374  na pasahero at 4 na sea vessel ang stranded.

Central Visayas, may 2,202 pasahero, 113 rolling cargoes, 13 vessels at 4 na motorbanca.

Southern Tagalog, 3,334 ang mga pasaherong stranded, 213 rolling cargoes, 7 vessel at 2 motorbanca habang sa Western Visayas ay nasa 1,055 pasahero, 93 rolling cargoes, 11 vessels, at 3 motorbanca.

Sa Bicol, 8,013 pasahero,5 26 rolling cargoes, 26 vessels at 11 motorbanca ang stranded din hanggang sa kasalukuyan.

Eastern Visayas, 4,988 pasahero, 584 rolling cargoes, 16 vessels at 8 motorbanca.

Northern Mindanao, 137 pasahero, 201 rolling cargoes, 12 sea vessels at 17 motorbanca.

Southern Visayas, 1,363 pasahero, 320 rolling cargoes at 25 sea vessels ang hindi din pinayagan na pumalaot sa karagatan.

Sinabi pa ng coast guard, hindi sila papayagang pumalaot sa karagatan hangga’t patuloy na nananalasa si bagyong Usman sa loob ng bansa.

Inabisuhan din ng pamunuan ng coast guard ang lahat ng units nito na mahigpit na ipatupad ang guidelines sa mga sasakyang pandagat lalo na kapag masungit ang panahon. | ulat ni Rey Ferrer