Mga nasirang marijuana plantations sa Cordillera, pinasisiguro ni PNP Chief na di na mabubuhay muli

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Pancratius Cascolan na tuloy-tuloy ang pagsira ng PNP sa mga marijuana plantations sa Cordillera Region.

Ang pahayag ay ginawa ng PNP chief sa isang ambush interview matapos saksihan ang pagsusunog ng ₱19-na milyong piso ng marijuana sa PRO-Cordillera.

Pinuna kasi ng mga lokal na mamahayag na tila paulit-ulit na lang ang mga lugar kung saan nadidiskubre ang taniman ng marijuana.

Sinabi ng PNP chief, pinasisiguro niya na sa pagbubunot ng marijuana plant ay kasama ang mga ugat nito para masiguro na hindi na uli tutubo.

Bukod dito, binilinan ni PNP chief ang mga local commander na balik-balikan ang mga unang nasirang plantations para masiguro na hindi na muling nagpapatubo ng marijuana dito.

Photo courtesy of OCPNP