Mga nanalo sa halalan na kasama sa narco list ng PDEA, inaalam na ng PNP

Inaalam na ngayon ng Philippine National Police kung sino sa mga nasa narco list ng PDEA ang nanalo sa nakalipas na Barangay at SK Elections.

Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, hindi porkeā€™t nanalo sila sa halalan ay lusot na sila sa posibleng kaso sa droga.

Binigyang-diin ng PNP chief na mangangalap pa rin ng ebidensya ang PNP laban sa mga nasa listahan ng PDEA, nanalo man sila o natalo.

Una ng inihayag ni Albayalde na kung may makuha silang ebidensya na gumagamit, nagtutulak o protektor ng droga ang isang opisyal, isasailalim ito sa Oplan Tokhang o tatargetin sa anti-drug operations. | via Leo Sarne