Mga naiwang gamit ng airport passengers, idinonate

Pormal ng ipinagkaloob ng Manila International Airport Authority (MIAA) Lost and found and Intelligence & Investigation Division ang mga gamit na naiwan at di na binalikan, gaya ng mga stroller, tungkod at iba pang gamit na pinabayaan na ng mga pasahero.

Pinangunahan ni MIAA General Manager Ed Monreal at Assistant General Manager Arnulfo Junio, ang pag-donate ng 16 na pirasong baby strollers sa Santa Rita Orphanage, sa Dr. A Santos Avenue, Sucat, Paranaque City. Gayundin ang pagbibigay sa 16 na strollers sa Home for the Angels Child Caring Foundation, sa San Andres Bukid, Maynila.

Habang 98 pirasong walking canes naman ang  ipinagkaloob sa samahan ng senior citizens sa Barangay 201, Pasay City.

Inaasahan na lalo pang mapapakinabangan ang mga naturang gamit ng mga lubos na nangangailangan, katulad na lamang ng nasa mga nasabing institutions. | ulat ni Ariel Fernandez