Mga naitalang kaso ng COVID-19 ngayong araw, muling tumaas sa mahigit 5,000

Umabot na sa kabuuang 1,286,217 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa buong bansa.

Ito’y makaraang makapagtala ngayong araw ng 5,462 ang Department of Health.

Mas mataas ito kumpara sa naitala kahapon na 4,777

Sa naturang bilang 54,000 ang kabilang sa mga aktibong kaso o kasalukuyan pang nagpapagaling sa sakit.

Umabot naman sa 7,854 ang mga naka-recover sa sakit ngayong araw, na mas marami sa bilang ng mga gumaling kahapon na 7,122.

Bunga nito, ay umakyat na ang total recoveries sa bansa sa 1, 219, 027

Samantala, nadagdagan naman ng 126 ang bilang ng mga namatay ngayong araw, na mas mataas kumpara sa 95 na mga binawian ng buhay kahapon.

Sa kabuuan, ang total deaths sa buong bansa ay umakyat sa bilang na 22,190.

Ang positivity-rate ngayong araw ay naitala sa 12.6% mula sa 39,788 na indibidwal na sumalang sa testing o pagsusuri.