Mga nagpupumilit na ibalik ang Dengvaxia, hinamon ni Sen. Go na unang magpaturok

Hinamon ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang grupo ng Doctors for Truth and Public Welfare na unang magpaturok ng Dengvaxia vaccine.

Sa panayam ng media, sinabi ng senador na dapat mapatunayan muna ng Food and  Drug Administration na safe ang vaccine at 100% na walang side effects bago muling gamitin.

Sa ngayon aniya, dapat sumunod  muna ang lahat sa mga paalala at tagubilin ng Department of Health (DOH) para makaiwas sa sakit na dengue.

Unang iginiit ng Doctors for Truth and Public Welfare, na payagan na ng administrasyong Duterte ang paggamit ng dengvaxia sa harap ng deklarasyon ng DOH sa dengue bilang epidemya.

Kanina, pinangunahan ng senador ang pagbukas ng pang-40 Malasakit Center sa Valenzuela City Emergency Hospital.

Nagbigay ito ng halagang P5-milyong  para sa inisyal na pondo na magagamit ng malasakit center.