Mga nagbalik-loob na rebelde sa Antique, binigyan ng livelihood assistance ng DSWD

19 na dating rebeldeng komunista ang pinagkalooban ng livelihood assistance ng Department of Social Welfare and Development sa lalawigan ng Antique.

Bawat isa ay binigyan ng tig Php20,000 o kabuuang Php380,000 Livelihood Settlement Grant alinsunod sa ipinatutupad na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Ayon sa DSWD, nagsumite muna ng kani kanilang project proposals ang mga nagbalik-loob na rebelde at tinasa bago pinaglaanan ng pondo.

Isa ito sa mga paraan ng pamahalaan upang mahikayat ang mga armadong grupo na magbalik loob at mamuhay muli ng normal sa lipunan.