Mga nabakunahan sa Quezon City lagpas na sa 400,000


Hanggang kahapon, umabot na sa 453,183 residente ng Quezon City ang nabakunahan na para sa proteksyon laban sa COVID-19.

Kinabibilangan ito ng mga frontliners, senior citizens at mga indibidwal na may comorbidities.

353,406 o 20.8 % ng target na 1.7 milyong residente ang nabigyan na ng first dose ng vaccine samanatalang 99,777 o 5.9% ang nabigyan naman ng second dose.

Samantala tuloy tuloy na ang pagbabakuna sa mga vaccination sites sa lungsod mula A1 hanggang A4 priority groups.

Maayos na naipapatupad ito maging sa mga partner malls gaya ng SM Fairview Annex, Ayala Mall, Cloverleaf, Fisher Mall, SM Sta. Mesa, Robinsons Galleria at UP Town Center at iba pang drive-tru vaccinations sites .