Mga nabakunahan sa QC, lampas 200,000 na

Mahigit 200,000 katao na ang nabigyan ng bakuna laban sa COVID-19, mula ng magsimula ang vaccination roll out ng pamahalaan.

Sa tala ng Quezon City Health Department, nasa 152,099 ang tumanggap na ng first dose habang 53,963 ang mayroong second dose.

Umaabot naman sa 142 barangay ng lungsod, ang nabigyan ng bakuna na nasa A-1 hanggang A-3 priority groups.

Sa kasalukuyan, nadagdagan na rin ang mga vaccination site sa buong lungsod, kung saan ang pinakahuling lugar ay ang Smart Araneta Coliseum sa Cubao.

Bukod dito, naglagay na rin ng vaccination hub ang QC Local Government sa homeowners, para hindi na magtungo sa ibang covered court at health centers ang mga nais magpabakuna.