Umabot na sa 5.9 million ang mga Pilipinong nabakunahan na ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., target ng pamahalaan na mabakunahan pa ang karagdagang 4 hanggang 5 milyong mga Pilipino ngayong buwan ng Hunyo.
Kaugnay nito ay asahan na rin anya ang tuloy-tuloy na pagdating ng supply ng bakuna sa Pilipinas sa mga susunod na araw.
Ayon pa kay Sec. Galvez, nakatakdang dumating ang 100,000 doses ng COVID-19 vaccine na Sputnik-V sa Martes, Hunyo 8.
Inaasahang darating din sa bansa ang 1 milyong doses ng Sinovac sa June 10.
Nakatakda ring dumating sa Pilipinas ang mahigit sa 2 milyong doses ng Pfizer, na donasyon ng Covax facility sa June 10 at 11.
Meron pang parating na mahigit sa 2 milyong doses ng Astra Zeneca mula sa Covax facility sa susunod na dalawang linggo.