Mga nabakunahan ng Pfizer BioNTech sa QC, mahigit 500 na

Umabot sa mahigit 500 frontliners hanggang vulnerable sectors ang unang nabakunahan ng Pfizer BioNTech sa Quezon City. 

Nasa 300 ang nabakunahan sa St. Lukes Medical Center – QC at mahigit 200 naman sa Capitol Medical Center ng buong maghapon kahapon. 

Ang mga A1 to A3 priority groups pa lamang ang maaaring mabakuhan sa ngayon dahil ang mga ito ay nakapagpre-register sa pamamagitan ng barangay assisted booking scheme. 

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pagbabakuna sa iba pang vaccination sites sa lungsod gamit ang iba pang brand ng bakuna tulad ng Sinovac, AstraZeneca at Sputnik V. 

Sa kabuuan, mahigit 300,000 na ang mga nakatanggap ng first dose at second dose na bakuna sa QC mula nang magsimula ang vaccination roll out. 

Pinayuhan naman ng QC Health Department ang mga residente na tingnan ang schedule ng vaccination sites sa https://t.co/G1jeLhsz6N para sa kanilang lugar habang ang hindi pa nakakapagpa-schedule ay maaaring magrehistro at book ng kanilang vaccination schedule sa https://t.co/cq1RSHwDrB.

Para sa barangay-assisted booking, makipag-ugnayan sa inyong barangay para sa schedule ng bakuna at form na dapat pirmahan.