Mga naaresto dahil sa hoarding at profiteering, mahigit 800 na

Umakyat na sa 805 ang mga naaresto ng Joint Task Force COVID shield dahil sa hoarding at pagbebenta ng overpriced medical supplies, at iba pang pangunahing pangangailangan ngayong nasa krisis ang bansa.

Sa ulat ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Operations at JTF COVID Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, pinakamaraming naaresto ay sa Luzon na umaabot sa 530 violators.

Pangalawa ay sa Mindanao, na umaabot sa 206 ang mga naaresto at sa Visayas ay 69 ang nadakip.

Samantala, umabot na rin sa 10, 766 na mga public utility vehicle ang na-huli ng JTF COVID Shield dahil sa paglabag sa public transportation ban.

Pinakaraming mga violator ang naitala sa Luzon na umaabot sa mahigit walong libo.

Patuloy naman ang panawagan ni Eleazar sa publiko, na manatiling sumunod sa mga alintuntunin ng community quarantine para maging ligtas sa coronavirus disease (COVID-19).