Mga naapektuhan ng bagyo at ASF sa Catanduanes, tumanggap ng ayuda sa DA

Umaabot sa P5.5 milyong halaga ng rehabilitation assistance ang tinanggap na ayuda ng mga magsasaka at livestock raisers sa binagyong lugar sa Catanduanes mula sa Special Area for Agricultural Development ng Department of Agriculture(DA).

100 palay farmers na benepisyaryo ng SAAD ang tumanggap ng 100 sako ng palay (RC-222 variety) at 100 bags ng complete fertilizer mula sa San Roque Palay Association (SAROPA) na may 50 magsasaka ng bayan ng Bato at Gigmoto at Rainfed Island Rice Growers Associationna may 50 miembro mula sa Bagamanoc at San Miguel Catanduanes

Ang Catanduanes ang matinding hinagupit ng nagdaang bagyong Rolly noong October 31, 2020 na puminsala sa P1.4 bilyong agriculture, infrastructure at postharvest facilities sa Catanduanes. 

Bago ito, ang bagyong Quinta ay sumalanta din sa Catanduanes noong October 24-25, 2020 na nakapinsala ng may P437 milyon sa pananim at pangisdaan.

Bukod sa palay seeds at complete fertilizers, namahagi din ang DA ng empty sacks, sickle, at laminated sacks para magamit ng mga magsasaka. Mayroon namang 66 livestock beneficiaries ng SAAD sa Bato at San Miguel, Catanduanes na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) outbreak noong unang quarter ng 2021 ang tumanggap ng 10 hanggang 12 native chickens sa ilalim ng SAAD Native Chicken Production Project.