Mga miyembro ng PNP na tinamaan ng COVID-19, mahigit anim na libo na

Nasa 6, 030 na ang mga miyembro ng Philippine National Police na nag-positibo sa COVID-19.

Ito’y matapos maitala ng PNP Health Service ang 40 bagong kaso kahapon.

Nanguna uli sa bilang ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at PRO Cordillera na may tig-walong bagong kaso.

Anim na bagong kaso naman ang iniulat sa National Operations Support Units, 5 sa National Administrative Support Units, 4 sa PRO 3, 3 sa PRO 10, at 2 sa PRO 9.

Habang tig-isang kaso ang PRO1, PRO 4A, PRO 5, at PRO BAR.

4,843 sa mga nag-positibo ang gumaling mula sa sakit matapos makapagtala ng 59 na bagong recoveries.

Sa ngayon nasa 1,170 nalang ang aktibong kaso habang nananatili sa 17 ang bilang ng mga nasawi.