Mga miyembro ng gabinete, “all for one, one for all ” kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go ayon kay Communications Secretary Martin Andanar

Nanindigan si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na solido ang pagkakaisa ng mga gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsuporta kay Special Assistant to the President Sec. Bong Go kaugnay ng pagdalo nito ngayong araw sa pagdinig ng Senado hinggil sa P15.7 billion Navy Frigate Deal.

Ayon kay Andanar, ‘all for one, one for all’ sila na nasa likod ni Secretary Go na ang layunin ay isiwalat ang katotohanan sa isyu.

Giit ni Andanar, tanging katotohanan lamang ang bitbit ni Go sa pagharap nito sa Mataas na Kapulungan at kung mayroon mang mga bagong impormasyon itong isisiwalat, ito ang dapat abangan ng taumbayan.

Bukod kay Andanar, ilan sa mga Kalihim na dumalo sa hearing ay sina Labor Secretary Silvestre Bello, Cabinet Sec. Leoncio Evasco, Foreign Affairs Sec. Allan Cayetano, Political Affairs Adviser Francis Tolentino, Asec. Mocha Uson at Executive Secretary Salvador Medialdea.

Present din ang aktor na si Robin Padilla na sumusuporta kay Go. | via Alvin Baltazar