Mga miyembro ng “Duterte death squad”, kailangang lisensyadong humawak ng baril – PNP Chief

Kailangang lisensyadong humawak ng baril ang sinumang magiging miyembro ng “Duterte death squad”.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde, kaugnay ng sinabi ng Pangulo kahapon na bubuo siya ng sarili niyang Sparu unit para habulin ang New People’s Army (NPA), na tatawagin niyang “Duterte death squad”.

Ang mga Sparu unit ng NPA ang tinaguriang hit-squad ng NPA na pumapatay ng mga target ng NPA sa mga siyudad, kabilang ang police at military personnel.

Nilinaw ng PNP Chief na hindi pwedeng kung sinu-sino lang ang maging miyembro ng “Duterte death squad”.

Kung bubuo man ng grupong ganito, kailangan aniyang dumaan ang mga ito sa ligal na proseso.

Dagdag ni Albayalde, kailangang lisensyadong armas lang ang kanilang gagamitin.  | ulat ni Leo Sarne