Mga manggagawa sa Metro Manila na apektado ng ECQ, may matatanggap na one-time cash assistance

May ayuda na para sa mga manggagawa sa Metro Manila na maaapektuhan ng muling pagpapatupad ng ECQ, mula sa Agosto 6 hanggang 20.

Paliwanag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ang mga informal workers tulad ng mga self-employed ay maaaring makinabang sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program.

Maaari din silang bigyan ng trabaho sa kanilang mga komunidad kapalit ng minimum pay.

Samantala, sinabi din ni Sec. Bello na may natitira pa silang pondo para sa COVID-19 Adjustment. Measures Program (CAMP) program para naman sa mga formal workers.

Sa nasabing programa ay maaaring tumanggap ng P5,000 bilang one-time cash assistance ang isang manggagawa.