Mga mambabatas na nananawagn para sa pagpapalawig ng voter’s registration, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang mga mambabatas na nananawagan para palawigin ang voter’s registration.
 
Inihain ng 15 sa Liberal Party congressmen ang House Resolution 2139 na humihimok sa COMELEC na i-extend ang voter’s registration hanggang sa Oct. 31, 2021, mula sa orihinal na deadline na Sept. 30, 2021.
 
Umaasa ang mga LP solons na ikukunsidera ng Comelec ang serye ng mga lockdown sa bansa, na posibleng magdulot ng “voter disenfranchisement”.
 
Hindi naman anila makakaapekto ang isang buwang extension ng voter registration sa paghahanda ng COMELEC para sa paparating na halalan.
 
Muli naman humirit si Deputy Speaker Rufus Rodriguez na gawin nang online ng COMELEC ang pagpaparehsitro.
 
Sa paraang ito, hindi na kailangan pumila ng mga bagong botante at magpapa-reactivate at mapapadali ang proseso ng pagpaparehistro.
 
Tinukoy nito na ang mga bagong botante ay maaaring mag apply online at oras na makamit ang  herd immunity ay saka na lamang kunan ng biometrics.