Mga maliit na magsasaka, makakatanggap ng financial at food assistance sa ilalim ng RCEF at Bayanihan 2 — DA

Asahan ng makakatanggap ng financial at food assistance sa mga susunod na buwan ang mga maliliit na magsasaka at mangingisda sa ilalim ng Bayanihan 2, at sa sobra ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Kabilang sa sakop ng tulong ay ang mga corn, coconut , sugar farmers, at mga katutubo.

Sa pagtaya ni Secretary William Dar, may sobrang P5 bilyon sa naipasok na taripa noong 2019.

Plano nilang magkaloob ng tig P5,000 ayudang pinansyal sa mga magsasaka, na mas mababa sa isang ektaryang lupang sakahan.

Pero mula sa P5,000 assistance, P3,000 ay ibibigay ng cash, P2,000 ay in kind o sa anyo ng bigas, manok, at itlog

Isinasapinal na ng Department of Agriculture (DA) ang mekanismo ng ayuda, alinsunod sa resolusyon ng Senate Committee on Agriculture and Food .

Ito ay hiwalay pa sa Rice Farmers’ Financial Assistance (RFFA) and Financial Subsidy for Rice Farmers, na ipinamamahagi sa mga magsasaka na apektado ng paluging presyuhan ng aning palay.