Mga malalayong lugar sa bansa, bibigyan ng ilaw

Nagkaisa ang Department of Energy (DOE) at National Electrification Administration (NEA), at Electric Cooperative (EC) Partylist Representatives na pag-ibayuhin ang kooperasyon sa pagbibigay ng ilaw sa remote areas ng bansa.

Sa unang pagkakataon, nagkasundo sina Energy Secretary Alfonzo Cusi at NEA Administrator Edgardo Rama Masongsong, na gumawa ng mga paraan na magbibigay ng tulong sa mga lugar na hindi pa inaabot ng kuryente, at nananatiling nakakaranas ng kadiliman, partikular na sa Mindanao at Visayas.

Hihingin din ng dalawang opisyal ang tulong ng mga local government unit (LGUs).

Malaki ang paniniwala ng energy at electric administration, na ang mga lokal na opisyal ang unang gagawa ng hakbang upang mabigyan ng ilaw ang mismo nilang mga kumunidad.

Ayon kay Energy Sec. Alfonso Cusi, ito ay upang tuparin ang SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng komportableng pamumuhay ang mga Pilipino.