Mga malalaking rice traders sa bansa, ihaharap ng NFA kay Pangulong Duterte

Muling ipapatawag ng National Food Authority ang grupo ng mga malalaking rice traders sa bansa para iharap at makausap ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang tiniyak ni NFA Administator Jason Aquino, kasunod ng utos ng Pangulo na layong pag-usapan ang kasalukuyang sitwasyon ng supply ng bigas sa bansa.

Asahang hihilingin ng Punong Ehekutibo ang kooperasyon ng rice traders para mapanatiling matatag ang supply at mura ang presyo ng bigas sa merkado.

Nauna nang ipinatawag ng NFA ang mga rice traders noon nang kapusin ang buffer stock nito at nangako ng tulong para matugunan ang kakulangan ng supply ng murang bigas sa  pamilihan.  | via Rey Ferrer