Mga magulang di dapat magpaapekto sa Dengvaxia scare, sa pagpapabakuna sa kanilang mga anak

Hindi dapat magpaapekto sa Dengvaxia scare ang mga magulang sa pagpapabakuna kontra COVID-19 sa kanilang mga anak.

Ayon ay Dr. Ma. Carmella Casalla, Spokesperson ng Philippine Pediatric Society, magkaiba ang pamamaraang ginamit sa paggawa ng bakuna laban sa Dengue at para sa COVID-19.

Aniya, mas kumplikado ang bakuna para sa dengue vaccine. Apat aniya ang strain ng dengue, at hiwa-hiwalay din ito kumpara sa variants ng COVID.

Matatandaan na nagkaroon noon ng dengvaxia scare sa bansa, makaraang matuklasang nagpapalala lamang ng sakit ang bakuna kontra dengue na Dengvaxia.

Kaugnay nito, ay muling hinikayat ni Dr. Casalla ang mga magulang na pabakunahan kontra COVID-19 ang kanilang mga anak.

Hindi umano ito sapilitan, pero nirerekomenda ito ng mga pediatrician para maproteksyunan ang mga bata.