Mga Lumad, nagsagawa ng kilos protesta sa pagdiriwang ng anibersaryo ng NPA

Nagsagawa ng kilos protesta ang 50 mga Lumad sa ika-50 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) kahapon.

Ayon kay Col. Harold Cabunoc, commander ng 33rd Makabayan Battalion, na nakabase sa Sultan Kudarat, kapuri-puri ang ipinakita ng mga Lumad na pagtutol sa mga aktibidad ng NPA sa kanilang mga komunidad.

Ayon kay Cabunoc, ang pag-aalsa ng mga Lumad ay pagpapakita ng kanilang pagkamulat sa panloloko ng mga communist front organisations na nagpapanggap na tumutulong sa kanilang komunidad.

Iprinotesta din ng grupo ang pagkamatay ng kanilang mga kapwa katutubo na nalinlang na sumapi sa NPA.

Ang grupo na nagprotesta ay pinangunahan ng tribal leader na si Bai Nenita Billones at isang Ka Jason na dating NPA. | ulat ni Leo Sarne