Mga lugar sa Quezon City na naka-lockdown, patuloy ang pagdami

Mula sa 55, umabot na sa 61 mga lugar sa Quezon City ang isinailalim sa lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases .

Nangyari ito sa loob lang ng dalawang araw mula noong Agosto 17.

Dalawa sa mga lugar na huling isinailalim sa 14 day special concern lockdown ay ang Barangay Silangan, dalawa rin sa Barangay Santol at tig-isa sa Barangay Socorro at Barangay E. Rodriguez.

Lahat ng 61 lugar na naka-lockdown ay ipinatupad lamang ngayong buwan ng Agosto.

Bilang pag-iingat sa hawaan ng COVID-19, mas hinigpitan pa ng city government ang pagpapatupad ng KyusiPass contact tracing app sa mga establisimyento sa lungsod.

Hinikayat din ng LGU ang iba pang residente na mag parehistro para mabakuhan bilang proteksyon sa hawaan ng virus.