Mga lugar sa Quezon City na isinailalim sa lockdown, patuloy pang dumadami

Lumobo na sa 35 lugar sa lungsod Quezon ang isinailalim sa special concerned lockdown dahil sa pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19.

Hindi naman nagpapabaya ang LGU at sinusuportahan nito ang pangangailangan ng mga residente na naipit sa lockdown.

Base sa ulat ng City Epidemioloy and Disease Surviellance Unit, tumaas pa sa 4,568 ang COVID-19 active cases sa lungsod hanggang kahapon.

Itoy mula sa 111,262 na kabuuang bilang ng confirmed cases na naitala ng lokal na pamahalaan.

Maaari pang magbago ang bilang ng mga kaso sa lungsod dahil na rin sa isinasagawang community-based testing.

Samantala nasa 105,453 naman ang bilang ng mga gumaling na sa sakit.